Pages

Tuesday, April 19, 2011

Revelation 21:8

" But the fearful and unbelieving, and the abominable, and murderers, and whoremongers, and sorcerers, and idolaters, and all liars, shall have their part in the lake which burneth with fire and brimstone: which is the second death.

Paano mo masasabing tagumpay ang isang tao?

    Paano mo masasabing tagumpay ang isang tao? Isang katunangan na minsan ko ng nasagot nang minsa'y nagkaroon kami ng biglaang talumpati sa asignaturang Filipino (Retorika). Laking tuwa ko ng ito'y aking mabunot sapagka't magkakaroon ako ng pagkakataong ibahagi sa aming klase ang aking mga paniniwala patungkol sa katanungang ito.

 Lahat tayo ay nangarap maging matagumpay. Bata pa lamang tayo sa tuwing tayo'y tatanungin anong gusto natin paglaki madalas naisasagot natin nais nating maging matagumpay na doktor, abogado , guro at inhinyero ayan ang ilan sa mga kadalasang naisasagot ng mga bata kung anong gusto nila paglaki nila.

Ano nga ba ang pakahulugan mo sa isang matagumpay na tao? Madalas nating naisasagot yung nakatapos at may mataas na pinagaralan, yung may malaki at magandang bahay , yung mga may magagandang sasakyan at yung may mga trabahong may mataas na sahod. Sa panahon ngayon masasabi kong napakarami ng taong nagtagumpay kung ayan lamang ang pamantayan natin upang masabing tagumpay ang isang tao. Ngunit bakit ganun napakarami ng successful businessman, pulitiko, inhinyero, doktor, abogado at sa iba't-iba pang larangan ngunit hindi pa rin sila kuntento sa kanilang naaabot , sa kanilang mga tinatamsang kaginhawaan sa buhay palagi silang naghahangad ng higit pa sa roon. Napakaraming artista ang nararating ang rurok ng tagumpay ngunit sa sobrang kasikatan hindi na nila kinakaya at nagrerebelde nawawalan ng direksyon ang kanilang buhay.

Paano tayo magkakaroon ng buhay na hindi bitin at tagumpay? Isa lang ang kasagutan diyan mawawala ang iyong mga pagkukulang sa buhay at masasabi mong masaya ka nang talaga kung makikilala mo si "Jesus" sa iyong buhay. Kinakailangan mong pagsisihan ang iyong mga kasalanan at tanggapin siya bilang personal mong tagapagligtas at iyong makikita ang mga malalaking pagbabago sa iyong buhay. Hindi ka man tagumpay dito sa lupa ngunit ang mas mahalaga tagumpay ka sa paglilingkod sa Panginoon yan ang tunay na tagumpay. Nothing is impossible in the side of Christ our Lord.